Bumuhos ang luha at emosyon ni Kuya Wil nang maramdaman niya
ang hirap na nararanasan ng bawat isa sa gitna ng krisis sa bansa.
Pinakita ni Willie ang kanyang pakikiramay sa mga PIlipino sa
nagdaang episode ng kanyang programa sa GMA na "Wowowin."
Bakas sa kanyang mukha ang lungkot, kasabay ng pagluha,
matapos mapanood ang isang video pattungkol sa ang mga frontliners sa Pilipinas
na nakikipaglaban sa COVID-19.
Sinaluduhan ni Willie ang mga doktor, nars, opisyal ng
pulisya, sundalo at ang iba pang mga kawani na ibinubuwis ang buhay sa panganib
na dala ng pandemya.
Ayon pa sa kanya, ang publiko ay dapat na manatili sa bahay at sundin
kung ano ang nararapat gawin kung sa gayon ay makabalik na sa kanilang mga
mahal sa buhay ang mga frontliners.
PANOORIN ang buong mensahe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Thank you for reaching us! We'll respond to you as soon as we can.