Sa nakatutuwang Instagram post ng aktres na si Kris Bernal,
ipinakita niya kung paano niya ginawa ang mga eksena sa kanyangnagdang ghost
series na ‘Hanggang sa dulo ng buhay ko'.
Sa video, nakalutang siya habang naglalakad bilang multo na
si Naomi. Nakatungtong siya sa dolly habang itinutulak ng isang lalaki, bahagi
ng production crew, na nakatago sa ilalim.
Sumunod nito ay kunwaring ibabagsak ni Naomi ang isang
pinggan na nasa lamesa at ito’y babasagin.
Pero hindi nila inaasahan na matibay
pala ang pinggan kung kaya’t hindi kaagad ito nabasag.
"Napakatibay ng platong ito!," sabi ng aktres na
nakalagay sa caption ng blooper video niya.
Panoorin kung anong sumunod na nagyari.
Source: GMA
BaliTambayan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Thank you for reaching us! We'll respond to you as soon as we can.